Humingi na ang pamahalaan ng United Kingdom ng tulong sa nasa 65,000 retiradong mga doktor at nars na magbalik sa trabaho upang makatulong sa pagpuksa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Secretary Matt Hancock, nagpadala na raw ang kanilang gobyerno ng liham sa 50,000 mga dating nars, at 15,000 retiradong doktor para umayuda sa COVID-19 efforts.
Umaasa naman si Hancock na marami ang tutugon sa kanilang apela.
Maliban dito, dadaan din muna sa ilang linggong training ang mga volunteers bago ilaan sa mga ospital, habang ang mga final-year nursing at medical students ay maaari nang kunin upang makatulong sa mga health care staff.
Gumawa na rin ng kahalintulad na hakbang ang New York City kung saan nakalikom sila ng 1,000 tugon mula sa mga retirado at private practice doctors.
“This is the first time we’ve done this. This is the first time we’ve built a staffing pool like this,” wika ni Herman Schaffer, assistant commissioner for community outreach ng Office of Emergency Management ng New York City. (Fox News)