-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Britanya ang mga sundalong itinalaga sa Poland bilang suporta sakaling lusubin ng Russia ang Ukraine.

Sinabi ni British Defense Secretary Ben Wallace na mayroong dagdag na 350 na sundalo ang kanilang itatalaga.

Mayroon na kasing 100 mga Royal Engineers ang ipinadala nila sa Poland para magbigay suporta sa migrant crisis sa Belarus.

Sa panig naman ni North Atlantic Treaty Organization’s Secretary General Jens Stoltenberg ay isinusulong pa rin nila ang kahalagahan ng “political solution” sa Russia at Ukraine.

Tiniyak nito na gagawin lahat ng NATO ang makakaya para ipagtanggol ang mga kaalyadong bansa ganun din ang pag-uusap sa Russia.

Ikinokonsidera nila ngayon ang pang-matagalang paglalagay ng sundalo sa eastern Europe.

Kung saan sinabi ni Stoltenberg na dahil sa paglalagay ng Russia ng mahgiit 100,000 mga sundalo sa border nila ng Ukraine ay maglalagay din ang NATO ng mahigit 30,000 sa nasabing lugar.

Magugunitang makailang sinabi ng Russia na kahit na mayroong silang inilagay na mga sundalo sa border nila ng Ukraine ay wala silang balak na lusubin ang mga ito.