Hinigpitan ng Britanya ang mga taong pumapasok sa kanilang bansa para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa inilabas na bagong kautusan, na dapat sumailalim ng hanggang 2 linggong isolation.
Ang nasabing hakbang ay epektibo sa mga residente at bisita para hindi na magkaroon pa ng second wave ng coronavirus pandemic.
Umani naman ito ng batikos dahil pinipili lamang aniya ng kanilang gobyerno ang mga inilalagay sa nasabing isolation at nakakaapekto ito sa kanilang turista.
Maging ang British Airways at mga budget carriers na Easy Jet at Ryanair ay nagreklamo na rin sa ipinapatupad na hakbang ng gobyerno.
Paglilinaw naman ni Health Secretary Matt Hancock, na ang nasabing bagong panuntunan ay para tuluyang mapigilan ang kinakatakutang second wave sa kanilang bansa.