-- Advertisements --

Iniurong na rin ng organizers ng 2021 British Academy Film Awards ang kanilang awarding cerermony.

Mula sa dating Pebrero 14 ay gaganapin na lamang ito sa Abril 11 dahil na rin sa coronavirus pandemic.

Pinalitan na rin ng nila ang eligibility rules kung saan tinanggal ang theatrical releases at sila ay lumipat sa online-only releases bilang konsiderasyon.

Ayon kay film committee chair Marc Samuelson, na sa bagong petsa ay mabibigyan ng tsansa ang marami na maipalabas ang mga pelikula.

Mula kasi noong Marso 20 ay isinara ang mga sinehan sa Britain para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Magugunitang inilipat din ng Oscars awards ang petsa ng kanilang awarding mula Pebrero ay ginawa na rin nila to Abril.