-- Advertisements --
image 368

Isang malaking karangalan, para sa Filipino actress na si Dolly De Leon ang ma-nominate para sa British Academy of Film and Television Arts or BAFTA para sa kanyang star-making turn sa “Triangle of Sadness

Ayon sa aktres, hindi man siya manalo bilang supporting actress, grateful pa rin daw siya dahil siya ang kauna-unahang Filipina na nanominate sa nasabing awarding.

Ang BAFTA o British Academy of Film and Television Arts ay kumikilala sa mga prestigious and inspiring films ganun din sa mga talento ng mga artist at ang kanilang ambag sa industriya.

Samantala, naglakad rin sa red carpet sa nasabing event suot ang kanilang best outfits sina Prince William at Princess Kate, Narito naman ang list ng mga nominees para sa Best Film Winner ang All Quiet on the Western Front, “All That Breathes” para sa Best documentary, Edward Berger, para sa Best director, Best supporting actress na si
Angela Bassett para sa “Black Panther: Wakanda Forever” at Best actor na si Brendan Gleeson, “The Banshees of Inisherin”