-- Advertisements --
Pumanaw na ang British actor na si Ben Cross sa edad 72.
Ayon sa kaniyang agent, mayroon ng iniindang sakit ang actor at ito ay nalagutan ng hininga habang nasa kaniyang bahay sa Vienna, Austria.
Nakilala ang actor sa pelikulang “Chariots of Fire” na gumanap ito bilang si Harold Abraham na isang Jewish sprinter na nagtagumpay noong 1924 Olympics.
Isa rin itong beteranong stage actor na isinilang sa London at nakasama sa pelikula “A Bridge Too Far” na isang World War II movie kasama ang actor na sina Sean Connery at Michael Caine.
Nagwagi ng apat na Academy Awards ang pelikulang “Chariots” kabilang ang best picture, best original score para sa iconic theme.