-- Advertisements --
Walang anumang naramadaman na side effects ang British actor na si Ian McKellen matapos na ito ay magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Kabilang kasi ang “The Lord of the Rings” at “X-Men” actor na nabigyan ng pagkakataon na magpaturok ng nasabing bakuna sa London, England.
Isinagawa ang pagbabakuna sa 81-anyos na actor sa Queen Mary University of London.
Sinabi nito na mapalad siya dahil nabakunahan na ito at kaniya itong irerekomenda sa lahat.
Dagdag pa nito na karapatan ng lahat na gumawa ng paraan para malabanan ang pagkalat ng virus.
May dalawang doses ang nasabing bakuna ang pangalawa ay ituturok pagkatapos aniya ng ng 21 araw.