-- Advertisements --
Idris Elba
Idris Elba/ IG post

Nagpositibo sa coronavirus ang British actor na si Idris Elba.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi nito na wala siyang sintomas pero nagpositibo ito sa coronavirus.

Dahil dito ay inihiwalay na niya ang kaniyang sarili sa ibang mga tao.

Hindi na binanggit pa nito kung saan ito naka-quarantine.

Sumailalim ito sa testing matapos na madiskubre niya na ang isa niyang nakasalamuha ay nagpositibo sa nasabing virus.

Bumida ang actor sa TV police drama na “Luther” at sa pelikulang “Avengers: Infinity War” bilang si Norse god Heimdall.