-- Advertisements --

Nanawagan ang British actor na si Actor Idris Elba at asawa nito Sabrina Dhowre Elba sa mga pulitiko at negosante sa buong mundo na magbigay ng tulong sa mga mahihirap.

Sa pagbubukas ng World Economic Forum (WEF) sa Switzerland, magandang ilaan sa isang uri ng investment ang tulong para sa mga mahihirap na bansa.

Nabigyan kasi ng pagkilala ang mag-asawa dahil sa naging trabaho nila sa food security, climate change at environmental conservation.

Bilang Goodwill Ambassadors ng United Nations’ International Fund for Agricultural Development ay nanawagan silang mabilisang financial support para sa mga tao na tinamaan ng kakulangan ng pagkain.