-- Advertisements --

Umatras na ang British actor na si John Boyega na maging brand ambassador ng perfume at candle brand na Jo Malone.

Kasunod ito ng pagtanggal sa eksena nito sa isang advertisement.

Dagdag pa ng 28-anyos na actor na hindi ipinaalam sa kaniya ang pagtanggal ng nasabing eksena.

Inalmahan kasi nito na tinanggal ang eksena nito sa London at ipinalit ang Chinese actor na si Liu Haoran.

Mahalaga aniya ang short film na nasa ads dahil ipinapakita ang kinalakihan nitong lugar kasama na ang mga kaibigan at kaanak nito.

Una ng humingi ng paumanhin ang kumpanya at inaming sila ay nagkamali sa pagpalit ng nasabing eksena na gawa ng nasabing actor.

Ipinanganak sa London si Boyega na tubong Nigeria ang mga magulang .

Kasama rin ito sa pelikulang “Star Wars: The Force Awakens” na ipinalabas noong 2015.