-- Advertisements --
Pumanaw na ang Oscar-winning actress at dating Members of Parliament na si Glenda Jackson sa edad 87.
Sinabi ng kaniyang agent na si Lionel Larner na hindi na nito na nakayanan ang hindi na binanggit na sakit nito at nalagutan na siya ng hininga sa kaniyang bahay.
Dekada ’70 ng sumikat ang actress sa mga pelikula nitong “Women In Love” at “A Touch of Calss” na mayroon itong dalawang nominasyon sa Oscars Awards.
Gumanap din siya bilang si Queen Elizabeth I sa BBC drama na Elizabeth R.
Huminto ito sa pag-aartista ng pumasok siya sa pulitika at naging miyembro ng House of Commons bilang Labour MP sa north London mula 1992 hanggang 2015.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kasamahan nito sa pelikula at maging sa nakasama nito sa pulitika.