Pumanaw na ang British acress na si Dame Maggie Smith sa edad na 89.
Kinumpirma ito ng kaniyang publicist na si Clair Dobbs subalit hindi na nito binanggit ang dahilan ng kaniyang pagkasawi sa Chelsea and Westminster Hospital.
Isinilanga noong 1934 sa eastern London bago ang pagsisimula ng World War II kung saan lumipat sila sa Oxford University.
Sa kaniyang pagtatapos sa high school ay pumasok siya sa Oxford Playhouse school mula 1951 hanggang 1953.
Nagtanghal ito sa Broadwa sa “New Faces of 1956” at naging bida sa “Share My Lettuce”.
Taong 1978 ng magwagi ito ng ikalawang Academy Award bilang supporting actress sa kaniyang pagganap sa “California Suite” at ginawaran din siya ng award sa British Academy Film Awards sa pelikulang “A Room with a View” at noong 1987 sa “The Lonely Passion of Judith Hearne”.
Naging Dame Commander si Smith sa Order of the British Empire noong 1990 at mula noon ay tinawag siyang bilang Dame Maggie Smith.
Nakilala siya bilang witchcraft teacher na si Minerva McGonagall sa “Harry Potterand the Sorcerers’s Stone” noong 2001 at lumabas sa ilang”Harry Potter” sequels.