-- Advertisements --

Desidido ang British band na 1975 na magsampa ng kaso laban sa organizers ng Festival sa Malaysia.

Ito ay matapos na kinansela ang kanilang show dahil umano sa pro- LGBT na pahayag ng vocalist ng banda na si Matt Healy.

Sinulatan naman ng Good Vibes Festival ang banda bilang babala at humiling na sila ay bayaran.

Magugunitang pinutol ng Malaysian Government ang pagtatanghal ng grupo ng magpahayag ang kanilang singer tungkol sa pagsuporta sa LGBT bago hinalikan nito ang kapwa lalaki na ka banda.

Mahigpit kasi na ipinagbabawal sa batas ng Malaysia ang homosexuality kung saan mayroong mabigat na kaparusahan ito.