-- Advertisements --

Inanunsiyo ng British band na Oasis ang kanilang US reunion tour.

Sa social media account ng banda ay nais nilang palawigin ang kanilang United Kingdom tour at ipaabot ito sa US sa susunod na taon.

Magsisimula ito sa Agosto 24 sa Rogers Stadium sa Toronto, Ontario at iikot sila sa Chicago, Illinois, East Rutherford, New Jersey, Los Angeles, California at Mexico City, Mexico.

Paglilinaw naman nila na hindi epektibo sa US tour ang ipinatupad na dynamic pricing sa UK.

Isinagawa kasi dynamic pricing sa UK para malabanan ang hindi pantay na pagbibili ng mga fans at ibebenta ito sa mas mataas na halaga.

Mapipilitan lamang silang ipatupad ito kapag nakita nila ang abnormal na bentahan ng tickets.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ng ianunsiyo ng magkapatid na sina Liam at Noel Gallagher ang muling pagsasama matapos ang 15 taon ng mabuwag ang kanilang banda.

Magsisimula ang presale registration ng North American tour sa araw ng Miyerkules habang ang general ticket sales ay magsisimula sa Biyernes.

Plano din ng banda na magsagawa ang tour sa labas ng Europe at North America.