-- Advertisements --
Plano ni British billionaire Richard Branson na higitan ang kapwa bilyonaryo na si Jeff Bezos na makapunta sa kalawakan.
Inanunsiyo kasi ng Virgin Galactic na susubukan nilang makalipad sa kalawakan gamit ang rocket-powered plane na sa darating na Hulyo 11.
Ang nasabing petsa ay siyam na araw na mas maaga sa plano ni Bezos na lumipad sa kalawakan sa darating na Hulyo 20.
Sa nasabing anunsiyo ay magiging unang bilyonaryo si Branson na makakabiyahe sa kalawakan.
Noong nakaraang taon kasi ay sinimulan na ng Virgin Galactic na magdala ng mga customers sa kalawakan.
Mula pa noong 2000 ay nagiging magkaribal na ang dalawa sa paggawa ng mga sasakyang pangkalawakan.
Kaya tuloy binansagan ito ngayon na billionairw’s space race.