-- Advertisements --
bryan marshall
Bryan Marshall

LA UNION – Sumakabilang buhay na sa edad na 81 anyos ang dating James Bond at soap actor Bryan Marshall.

Si Marshall ay kilala sa pagganap nito bilang Commander Talbot kasama si Roger Moore sa pelikulang Bond film “The Spy Who Loved Me”.

Ipinangak ito sa Battersea, London, at nagsimula ang kanyang career noong 1960s, kasama si Michael Caine sa Alfie.

Lumabas rin ito pelikulang Neighbours and Home and Away at host sa palabas na Australia’s Most Wanted taon 1989.

Sa pelikulang The Spy Who Loved Me, gumanap ito bilang submarine captain kung saan agad nahuli ang barko nito sa simula pa lang ng palabas.

Tumira at nagtrabaho ito sa Australia ng higit 20 taon bago ito namatay.

Gumanap rin si Marshall sa Captain Potter in Quatermass And The Pit noong 1967, at Tom in The Witches.

Lumabas rin ito sa TV series na The Forsyte Saga, Vanity Fair, Spindoe, Crown Court, The Tenant Of Wildfell Hall, The Avengers and Persuasion.

Bago tumulak sa Australia gumanap rin ito sa Neighbours, The Flying Doctors and Home And Away.

Pinahuli nitong labas ay sa Australian mini-series na A Moody Christmas noong 2012.