Pumanaw na ang British born singer/actress Jane Birkin sa edad 76.
Ayon sa mga kaanak nito na natagpuan na lamang ang bangkay nito sa loob ng kaniyang bahay.
Nakilala ang English-French star sa kaniyang pakikipagrelasyon sa songwriter na si Serge Gainsbourg kung saan nagawa nila ang sikat nitong kanta na “Je t’aime.. mo non plus”.
Ginawa nila ang nasabing kanta noong 1968 ilang buwan matapos na sila ay nakagawa ng pelikula sa Paris.
Itinuturing siya bilang style icon noong 1960 at 1970.
Pinagbawalang ipatugtog ang mga kanta nito sa radyo at ilang bansa maging ang Vatican ay kinondina siya dahil sa mga bastos umano na mga lyrics ng kaniyang kanta.
Nagsama sina Birkin at Gainsboug sa loob ng 12 taon hanggang sila ay nagkahiwalay.
May anak ang dalawa na si Charlotte Gainsbourg na isa ring award-winning actress at singer.
May nauna ng asawa ang singer na si John Barry kung saan mayroon silang anak na si Kate Barry na isang fashion photographer pero pumanaw na noong 2013 sa edad na 46.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan nito ay ang classic na “Blow Up, Death on the Nile” noong 1978 at “Evil Under the Sun” noong 1982.