-- Advertisements --
Pinababa sa eroplano sa US ang British boxer na si Amir Khan.
Ayon sa 34-anyos na boksingero, pinababa sila ng mga otoridad ng American Airlines matapos na ireklamo sa kapulisan na hindi nakasuot ng tama ang face mask ng kasamahan nito.
Mula sa Newark Airport patungong Dallas-Fort-Worth ang biyahe na naantala dahil sa insidente.
Sa kaniyang Twitter account ay hindi naiwasan ng dating light-welterweight world champion na madismaya dahil sa pangyayari at sa maling pagtrato sa kanila.
Patungo sana ito sa kaniyang training camp sa Colorado galing sa New York.
Dumipensa ang airline company sa kanilang naging hakbang.