-- Advertisements --

Pinatawan ng $129,000 na multa ang British boxer na si Chris Eubank Jr.

Ito ay matapos na paluin niya ng isang itlog ang kapwa British boxer na si Conor Benn.

Naganap ang insidente sa press conference noong Pebrero ng nakatakdang paghaharap ng dalawa sa susunod na buwan sa United Kingdom.

Noong 2022 pa sana ang laban subalit bumagsak sa drug test si Benn.

Taong 2023 ng payagan na ng World Boxing Council na makalaban si Benn kung saan ang iligal substance na nakita ay dahil sa labis na pagkain nito ng itlog.

Nakatakdang magharap ang dalawa sa darating na Abril 26 sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.

Ang 35-anyos na si Eubank ay mayroong 34 panalo at tatlong talo habang ang 28-anyos na si Benn ay mayroong 23 panalo at walang talo.