Nauwi sa gulo ang boxing match sa Liverpool M&S Bank Arena sa United Kingdom nang biglang ipatigil ang laban sa fifth round.
Imbes na 10-rounds ang heavyweight bout agad dinis-qualify sa kalagitnaan ng laban si Kash Ali nang kagatin ang karibal na si David Price.
Una rito, tinamaan ng suntok ni Price si Ali hanggang sa matumba sila nang hawakan ni Kash ang kalaban.
Kasunod nito ang pagkagat ni Ali sa bandang tiyan o rib cage area ni Price.
Dito na nagdesisyon ang referee at ang British Boxing Board of Control na ipatigil ang laban at tuluyang idis-qualify ang 27-anyos na si Ali.
Idineklara namang winner sa laban ang 25-anyos na si Price.
Sa paglabas ni Ali ay pinagbabato ng mga drinks na mula sa galit na mga fans.
Ang naturang pangyari ay nagpaalala tuloy noong taong 1997 nang kagatin ni Mike Tyson sa tenga si Evander Holyfield.
Liban sa disqualification at multa, sinuspinde rin sa kanyang pagboboksing ng isang taon si Tyson.