-- Advertisements --

Nanawagan si boxer Tyson Fury sa gobyerno ng United Kingdom sa sinumang gagawa ng krimen gamit ang kutsilyo.

Ito ay matapos na mapatay ang pinsan nito na si Rico Burton.

Sa kaniyang social media, malungkot na ibinalita ng boksingero ang pagkasawi ng 31-anyos na pinsan matapos na ito ay saksakin sa Goose Green, Greater Manchester.

Naaresto ng kapulisan ang dalawang suspek na nasa likod ng insidente.

Dagdag pa ng boksingero na dapat maglaan ang gobyerno ng mas mabigat na kaparusahan sa mga tinatawag ng ‘knife crime’.

Base sa talaan ng kapulisan sa England na tumaas ang bilang ng knife crime ng 10 percent nitong 2022.