Nagdeklara na ng state of emergency ang British Columbia sa Canada at inaasahang tataas pa ang death toll mula sa malawakang pagbaha at landslide.
Kinumpirma ni Canadian Public Safety Minister Marco Mendicino ang isang nasawi dahil sa matinding pag-ulan at mudslide na naranasan sa isolated towns sa rehiyon.
Nasa tatlong katao naman ang napaulat na nawawala habang nasa 1,800 pang katao ang naapektuhan sa parte ng Pacific Coast province.
Bunsod nito, pansamantalang magpapatupad ng travel restriction sa apektadong lugar at nangako ng pamamahagi ng essential goods at medical at emergency services.
Libu-libong Canadian Armed Forces na rin ang idineploy para tumulong sa paglikas ng mga na-stranded na residente.
Nangako naman si Prime Minister Justn Trudeau ng tulong sa para sa naapektuhang residente.