-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro sa Paris Olympics si British cyclist Katie Archibald matapos na ito ay maaksidente.

Ayon sa 30-anyos na atleta na napilay ang kanilang binti matapos na ito ay maaksidente kaniyang hardin.

Nagpapagaling pa sa pagamutan ang two-time Olympian matapos ang aksidente.

Si Archibald ay nagwagi ng gintong medalya sa team pursuit noong 2016 Rio Olympics.

Nakapag-uwi ito ng gold sa madison habang silver naman sa team pursuit noong Tokyo Olympics.