Nagpasalamat si British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils sa lahat ng mga Pilipinong nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Nanawagan naman ito ng panalangin matapos ilibing na ang Reyna.
Nananatili pa rin sa harap ng gusali ng Embahada ng United Kingdom sa Pilipinas ang mga bulaklak na inialay ng mga Pilipino noon pang isang linggo.
Napag-alaman na kahapon, naglaan ng special memorial service ang Holy Trinity Angelican Church sa Taguig City, bilang pag-alala sa tinaguriang longest serving monarch sa kasaysayan ng Britanya.
Magugunitang inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang namayapang Reyna mula sa Westminister Abbey na dadaluhan ni Gng. Irene Marcos Araneta, bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dinala ang labi ng yumaong Reyna sa Windsor Castle kung saan siya inihimlay kasama ang yumaong Ama na si King George VI, Inang si Queen Elizabeth, Queen Mother at kapatid na si Princess Margaret.