-- Advertisements --
Kim Darroch
Kim Darroch/ Twitter post

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si British ambassador to Washington Kim Darroch.

Kasunod ito sa ginawang pagpuna ni US President Donald Trump sa lumabas na leak mula sa offiical documents ng Embassy.

Sa inilabas kasi ng confidential memos mula 2017 hanggang sa kasalukuyan sinabi ng 65-anyos na si Darroch na ang awayan sa loob ng White House ay makatotohanan.

Isa rito ang magkakasalungat na pananaw sa plano ni Trump sa military strike sa Iran.

Dahil dito ay balak ngayon ni Trump na ipalit si Nigel Farage ang kasalukuyang Brexit Party Leader na pumalit kay Darroch.

Humanga naman si British Prime Minister Theresa May ang desisyong ito ni Darroch.