-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang British fashion designer na si Dame Mary Quant sa edad 93.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya na nalagutan na siya ng hininga habang natutulog sa kanilang bahay sa Surrey, sa UK.

Nakilala si Dame Mary dahil siya ang nagpasikat ng mini-skirt noong dekada 60.

Noong 1955 ay binuksan niya ang unang shop Bazaar sa Kings Road kung saan ang kaniyang pagiging far-sighted at creative talents nito ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa Britanya.