Tumaas umano ang tsansa na magsagawa ang Britanya ng general election ngayong taon matapos ianunsyo ni United Kingdom Prime Minister Theresa May na magbibitiw na umano ito sa kanyang pwesto sa Hunyo 7.
Ngunit ayon sa ilang analyst at mambabatas ay maaaring dumagdag lamang ito sa walang-katiyakan na pagtiwalag ng bansa sa European Union.
Ilang oras lamang matapos ang emosyonal na pag-anunsyo ni May sa kanyang desisyon, nagbigay babala ang mga moderate Conservative lawmakers na maaaring tutulan nila ang pagbaba sa pwesto ni May kung papalitan ito ni Boris Johnson, dating foreign secretary at political maverick.
Kakaharap sa parehong pagsubok ang kung sino man na papalit kay May sa kanyang pwesto.
Noong Biyernes, tahasang ipinahayag ni Johnson ang kanyang pinaniniwalaan patungkol sa Brexit deal.
Ayon dito, kinakailangan nang maisakatuparan ang pagkalas ng Britanya sa EU sa darating na Oktubre 31.