-- Advertisements --
Dennis Scott
Track and Field gold medalist/ Bombo Butuan picture

BUTUAN CITY – Ibinahagi ng track and field athlete na si Dennis Scott ang mga dahilan na maging immigrante sa bansa at maging kinatawan nito sa kanyang sasalihang local and international competition.

Saysay pa ng 70 years old na ipinanganak sa England at lumaki sa United State at ngayon ay naninirahan sa Villa Kananga nitong lungsod ng Butuan.

Marami daw itong rason kung bakit mas pinili niyang manirahan sa Pilipinas. Kasama na dito ang katutohanan ng linyang “It’s More Fun in the Philippines”.

Napag-alamang unang nanirahan si Scott sa Siargao Island hanggang sa nakilala ang pinay na asawang si Jezelle Dasol Scott ng Magallanes, Agusan Del Norte.

Maliban sa mga nahakot na award nito para sa bansa, palagi ring bitbit ni Scott ang bandila ng Pilipinas sa mga naging laban niya ma local man o international event.

Patunay nito ang huling laban niya sa Sabah, Malaysia sa isinagawang 9th Sabah Masters Athletics Open Championships 2019 kung saan nasungkit ni Scott ang gintong medalya sa 3000m, 1500m, 800m at 400m na pagtakbo.