-- Advertisements --

Naging emosyonal ang ang British international singer na si Adele ng makita mismo nito ang idol na si Celine Dion nitong Linggo, Oktubre 27 sa Las Vegas residency, habang kinakanta ang sikat niyang awitin na ‘when we were young’.

Sa isang trending video na kuha at nai-post ng kanyang mga tagasuporta sa iba’t-ibang platform sa social media, makikita na dali-dali nitong nilapitan at niyakap habang naiiyak ang Canadian-French Diva na si Celine Dion.

Makikita rin na naging emosyonal si Celine sa pagyakap kay Adele.

Halos hindi magkamayaw ang mga fans ng dalawang nasabing Diva’s sa kanilang henerasyon bilang respeto ay isinigaw ni Adele ang pangalan ni Celine na siya namang pinalakpakan at binigyan ng standing ovation ng mga manonood sa Caesars Palace.

Matatandaan na si Celine Dion ay mayroong 5 panalong grammy award, 12 world music award at star sa walk of fame sa Hollywood.(report by : Bombo John)