Pumanaw na ang British model na si Stella Tennant sa edad 50.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Sumikat si Tennant noong dekada 90 sa pamamagitan ng pagiging model sa ilang sikat na brand gaya n ina Karl Lagerfeld at Versace.
Naganap ang pagkasawi nito limang araw matapos na ipagdiwang ang kaniyang ika-50 kaarawan.
Humingi na ng pag-iintindi at paumanhin ang kampo ng modelo.
Apo siya ng 11th Duke of Deonshire na si Andrew Cavendish at Deborah MItford.
Kasama siya na nagtanghal sa closing ceremony ng 2012 London Olympics kasama ang ilang modelo gaya nina Kate Moss at Naomi Campbell.
Mayroon na itong apat na anak mula sa asawang si David Lasnet na isang French-born photographer.
Kilala siya sa nangangampanya na paggamit ng kaunting enerhiya para hindi maapektuhan ang kalikasan.