Pumanaw na si British motor racing legend Stirling Moss sa edad 90.
Sinabi ng kaniyang asawang si Susie, na mayroon ng dinaranas na sakit ito at mapayapang pumanaw sa kanilang bahay sa London.
Mula 1948 hanggang 1962 ay naging aktibo itong race drivers sa iba’-ibang classifications at nanalo ng 212 sa kaniyang 520 races na kaniyang sinalihan.
Naging Formula One Driver’s Championship runner-up sa apat na okasyon sa buong career nito kung saan nagwagi ito sa 16 na Grand Prix sa kaniyang career kabilang na ang makasaysayang panalo sa Monaco at Germany noong 1961.
Sa edad 32 ng ito ay tumigil sa karera matapos na maaksidente sa Goodwood circuit sa southern England noong 1962.
Kinilala ito ni Queen Elizabeth noong 2000 dahil sa kontribusyon sa motorsport.