-- Advertisements --
DIPOLOG CITY – Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Police Regional Office-10 sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng pagdukot sa isang British national at asawa nito sa Tukuran, Zamboanga del Sur.
Una nang kinilala ang mga biktima na sina Allan at Wilma Hyrons, negosyante at may-ari ng isang pribadong eskwelahan at resort sa lugar.
Sa panayam ng Star FM sinabi ni police C/Insp. Helen Galvez, police information officer ng PRO-10, na nagpapatuloy pa ang kanilang pagtunton sa mga posibleng suspek ng pagdukot.
Batay sa inisyal na ulat, anim na armadong lalaki ang nakitang dumukot sa mag-asawa habang nasa loob ito ng kanilang Hyrons Resort.