BUTUAN CITY – Hindi rin nagpahuli ang ibang lahi sa pagpapakuha ng dugo sa “Dugong Bombo: A Little Pain, A Life to Gain” blood donation Program ng Bombo Radyo Philippines na ginanap nitong nakaraang araw sa 24 key cities sa buong Pilipinas.
Dito sa lungsod ng Butuan, matagumpay na nakapag-donate ng kanyang dugo ang British national na si Michael Whatton na nasiyahan pa sa mainit na pagtanggap sa kanya doon sa venue kahit walk in donor lamang sila ng kanyang Pinay na asawa.
Malaki ang pasasalamat nito sa inisyatibo ng Bombo Radyo Philippines upang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.
Inanyayahan din ni Whatton ang lahat na bulontaryong magpakuha ng dugo, sa mga susunod pang mga blood donation program ng Bombo Radto para makatulong sa mga taong nangangailangan nito.