-- Advertisements --

Hinikayat ni British naturalist David Attenborough ang mga delegado na dumadalo sa COP26 climate summit na tuparin nila ang kanilang naging pangako.

Buong mundo aniya ay nakatuon ang atensiyon sa mga lider na dumadalo at nasa kanilang mga pamumuno ang kapalaran ng mga susunod na henerasyon.

Nagbabala pa ang 95-anyos na British naturalist na nasa panganib na ang sanlibutan dahil sa mataas na carbon levels sa kapaligiran.

Nasa 1.2 degrees Celcius na kasi na mas mainit ang mundo kumpara noong 19th century kaya maraming naitatalang heatwaves, forest fires at mga pagbaha.

Magugunitang nasa Glasgow, Scotland ang 120 world leaders para sa climate change summit.