Mananatili umano na nasa ilalim ng kustodiya ng Iranian authorities ang 23 crew members na sakay ng British oil tanker na hinuli ng Iran sa Persian Gulf.
Ito ay dahil sa di-umano’y pagkakadawit sa aksidente ng MT Stena Impero matapos daw nitong mabangga ang isang fishing boat na pagmamay-ari ng Iran.
Ayon sa general director ng Hormuzgan Province’s Ports at Maritime Organization, hindi raw pinansin ng oil tanker ang distress call na sinubukang ipadala Revolutionary Guards at naglalayag din daw ito sa maling shipping lane.
Ipinagtanggol naman ni Stena Bulk, operator ng oil tanker, ang alegasyon laban sa barko. Aniya, sumusunod umano ang barko sa lahat ng navigation at international regulations.
May sakay na 18 Indians, 3 Russians, 1 Latvian at 1 Pinoy ang barko.
Nilinaw naman ni British Foreign Secretary Jeremy Hunt na ginagawa ng kanilang panig ang lahat ng kanilang makakaya upang resolbahin ang pangyayari sa diplomatikong pamamaraan.