-- Advertisements --
stena 1
Stena Bulk

Tiniyak ng may-ari ng Stena Bulk na British oil tanker na nasa mabuting kalagayan ang 23 mga crew nito.

Sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Pat Adamson, na lahat ng mga crew mula sa bansang India, Russia, Latvia at Filipino ay nasa ligtas na kalagayan.

Nakakausap aniya nila ang mga crew sa telepono tuwing gabi at sinabing nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Iran para agad na mapalaya ang mga ito.

Tiniyak din aniya ng kumpaniya ang tulong ay naibibigay sa mga kaanak ng mga dinukot na crew.

Magugunitang kinumpiska ng Iran ang nasabing oil tanker dahil sa pagdaan dahil sa kanilang international water.