Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si United Kingdom House of Lords member Jack McConnell para makipag-usap sa mga local officials at itulak ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao.
Batay ng impormasyong inilabas ng British Embassy na nakabase sa Manila, nakatakdang makapulong ng British parliamentarian ang ilang mga national officials sa Pilipinas bago tutulak patungong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kasalukuyan, wala pang nakatakdang araw para sa kanyang pagdating, maging ang takdang araw para sa mga dadaluhang pulong.
Pero ayon sa embahada, itutulak ni McConnell ang mga commitment ng UK para sa mapayapang transisyon ng BARMM.
Noong 2023 ay bumisita rin sa Pilipinas si McConnell at pangunahing tinutukan ang peace process sa Mindanao.
Mula noong 2014, regular na itong nagtutungo sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao.