-- Advertisements --
Nabigo sina British Prime Minister Theresa May at opposition Labour Party leader Jeremy Coryn para makagawa ng bagong kasunduan sa tuluyang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.
Halos dalawang buwan ng isagawa ang nasabing pag-uusap subalit kapwa silang nagmatigas.
Ayon sa mga eksperto na ang pagbagsak ng negotation ay magdudulot din ng political crisis sa UK.
Balak pa rin ng May na isulong ang kaniyang orihinal na withdrawal agreement sa mga mambabatas sa ikaapat na beses.
Sa darating din ng Hunyo ay magsasagawa ng eleksyon ang Conservative Party kung saan pipili sila ng bagong lider na papalit kay May.