-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni British Prime Minister ang kaniyang adviser na si Dominic Cummings dahil sa pagbiyahe nito sa lockdown.

Sinabi ni Johnson na wala na itong nagawa na bumiyahe mula London hanggang North East para alagaan ang kaniyang anak at asawa na hindi makagalaw dahil sa coronavirus.

Dagdag pa nito na responsable, legally at may integridad ang ginawa ni Cummings.

Nauna rito pinagbibitiw sa puwesto ng mga mambabatas si Cummings dahil sa malinaw na ginawa nitong paglabag.