-- Advertisements --
Boris Johnson
Boris Johnson/ IG post

Sinimulan na ng bagong British Prime Minister Boris Johnson ang pagbuo ng kaniyang bagong gabinete.

Bukod sa mga bagong posisyon ay may mga ilang opisyal ng United Kingdom ang nagbitiw sa kanilang posisyon.

Isa rito si Philip Hammond na nagbitiw bilang Chancellor na pinalitan ni Sajid Javid at si Foreign Secretary Jeremy Hunt ay nagbitiw sa puwesto nito.

Sinibak naman sa puwesto si immigration minister Caroline Nokes ilang oras sa pag-upo ni Johnson bilang Prime Minister.