-- Advertisements --
Patuloy na ipinagpipilitan ni British Prime Minister Boris Johnson na mali ang desisyon ng Supreme Court sa ginawa nitong pagsuspendi ng Parlyamento para hindi maapektuhan ang no-deal Brexit nito sa darating na October 31.
Sinabi ni Johnson na maraming mga mamamayan nila ang naniniwala na tama ang ginawa nito.
Ayaw rin niya na pagbintangan ang korte na namumulitika matapos na ideklarang iligal ang ginawa nitong pagsuspendi sa parlyamento.
Minaliit lamang nito ang panawagan na magbitiw na siya sa puwesto.