-- Advertisements --
Dumistansya si British Prime Minister Boris Johnson sa awayan sa Royal Palace.
Ayon kay Johnson na hinahangaan niya si Queen Elizabeth dahil malaki ang papel nito sa bansa.
Dagdag pa nito na hindi na ito magbibigay ng anumang komento sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Meghan Markle at sa Buckingham Palace.
Magugunitang ibinunyag ni Markle ang pagiging racist ng Royal family matapos na hindi binigyan ng pagkilala ang anak nila ni Prince Harry dahil sa ibang kulay nito.