-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang mga opisyal ng United Kingdom dahil sa pagsasagawa ng kasiyahan isang gabi bago ang libing ni Prince Philip noong nakaraang Abril.
Ayon sa depuy official spokesman ni Prime Minister Boris Johnson na labis silang nagsisisi sa pangyayari.
Ginanap kasi ang tila kaunting salo-salo at inuman dahil sa pag-alis na ni Director of Communications James Slack na ngayon ay deputy editor ng kilalang diyaryo na “The Sun”.
Maging si Slack ay humingi na rin ng paumanhin at sinabing hindi dapat ito naganap.
Sa libing kasi ni Prince Philip ay naging isang malungkot na araw sa Royal Family ng Britanya.