-- Advertisements --
Luxembourg
Abandoned Luxembourg meeting

Hindi dinaluhan ni British Prime Minister Boris Johnson ang nakatakdang press conference sa Luxembourg.

Ito ay para maiwasan niya ang mga anti-Brexit protesters.

Nakatakda sanang magkaroon ng outdoor statement si Johnson kasama si Luxembourg leader Xavier Bettel subalit hiniling nito na gawin na lamang sa loob ng opisina.

Dahil dito ay hindi na maiwasan ng mga dumalo na kantiyawan na lamang si Johnson sa ginawa nito.

Nasa Luxembourg ang British Prime Minister para makipag-usap kay European Commision President Jean-Claude Juncker.

Sa panig naman ni Johnson na ayaw niyang magkaroon ng anumang kahihiyan ang pagbisita nito sa lugar.