-- Advertisements --

Pinangalanan ni UK Prime Minister Boris Johnson at fiancee nitong si Carrie Symonds ang kanilang bagong silang na anak bilang si Wilfred Lawrie Nicholas Johnson.

Ang baby, na isinilang nitong Miyerkules, ay binigyan ng pangalan na Nicholas bilang pagpupugay sa dalawang doktor na gumamot kay Boris Johnson habang nagpapagaling ito mula sa coronavirus noong nakaraang buwan.

“Wilfred after Boris’ grandfather, Lawrie after my grandfather, Nicholas after Dr Nick Price and Dr Nick Hart – the two doctors that saved Boris’ life last month,” pahayag ni Symonds sa kanyang Instagram account.

“Thank you so, so much to the incredible NHS maternity team at UCLH that looked after us so well. I couldn’t be happier. My heart is full,” dagdag nito.

Nitong Lunes nang magbalik na sa trabaho si Johnson matapos ituring na kauna-unahang wolrd leader na dinapuan ng coronavirus noong Marso.

Tatlong araw nanatili sa intensive care unit ang UK prime minister noong unang bahagi ng Abril, bago bumuti ang kanyang kalagayan.