-- Advertisements --

Masayang ibinalita ni British Prime Minister Boris Johnson na nanganak ang asawa nitong si Carrie.

Sinabi ni Johnson na isang malusog na sanggol na babae ang ikalawang anak nila ng asawang si Carrie.

Noong Hulyo ay ibinunyag ng dalawa na inaasahan nila ang pagdating ng ikalawang anak nila.

Mayroon ng anak ang dalawa na si Wilfred Lawrie Nicholas na isinilang noong Abril 2020.

Nitong Mayo ay ikinasal ang dalawa sa Westminster Cathedral sa London.