-- Advertisements --

Muling nag-self isolate si British Prime Minister Boris Johnson matapos na makasalamuha nito ang isang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon sa Downing Street, agad itong pinuntahan ng National Health Service and Trace dahil sa nakasalamuha nito si Ashfield Members of Parliament Lee Anderson na nagpositibo sa COVID-19.

Paglilinaw nila, walang anumang sintomas si Johnson at patuloy itong magtatrabaho.

Dahil sa payo na rin ng NHS ay magse-self isolate na si Johson.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay nadapuan ng coronavirus si Johnson kaya ito nag-isolate ng ilang araw.