-- Advertisements --
Nagwagi si British Prime Minister Boris Johnson sa approval ng kaniyang Brexit deal sa parliyamento.
Nakakuha ito 358 kontra sa 254 sa ikalawang pagbasa ng mga lehislatura.
Dahil sa panalo ay magigin maganda na ang pagkalas ng United Kingdom sa European Union sa darating na Enero 31.
Magugunitang noong 2016 ng bumoto ang Britanya para tuluyan silang makaalis sa EU.
Sinabi naman ni Johnson na ito na ang panahon para sila ay magkaisa para tuluyan ng makalabas sa EU.
Matapos aniya ang pag-alis ay kailangan nila ngayon ng bagong trading arrangements sa EU.