Niluwagan na ni British Prime Minister Boris Johnson ang ipinapatupad nitong lockdown sa kanilang bansa.
Sa kaniyang anunsiyo sa mamamayan ng United Kingdom, magsisimula ito sa darating na Miyerkules matapos ang mahigit anim na linggong lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Dahil sa pagpaluwag ay maaari nang makalabas ang mga tao sa iba’t ibang parke, makapagsagawa ng ehersisyo sa labas ng gusto nila at makapagmaneho kahit saan nila nais magtungo.
Mahigpit din ang bilin nito na dapat na pawang mga kaanak lamang ng mga tao ang kanilang makakasama sa paglabas.
Sa kaniyang talumpati ay binago na nito ang dating slogan na “Stay Alert” mula sa dating “Stay at Home.”
Magugunitang pumalo na sa mahigit 31,000 katao ang namatay matapos dapuan sila ng coronavirus.