-- Advertisements --
Pinabulaanan ni British Prime Minister Boris Johnson na pinagbabantaan niya ang mga members of parliament.
Paglilinaw ni Johnson na normal lamang na minsan ay magtaas ito ng boses habang ito ay nagsasalita sa Parliament.
Ipinagtanggol din nito ang pagtawag niya bilang “surrender bill” ang panukalang batas na naglalayong harangin ang no-deal Brexit.
Napapaloob sa nasabing surrender bill o tinawag din na The Benn Bill na nagpipilit sa gobyerno para humingi ng extension sa Brexit deadline na ito ay mapapalawig hanggang Enero 31, 2020.